Aleosan

CENTRAL MINDANAO – Sugatan ang tatlong katao sa nangyaring pagsabog sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang mga biktima na sina Eleuterio Macaya Cantomayor, 64; Randy Poja Cantomayor, 44, at Genie Cantomayor, 13, mga residente ng Brgy Bagolibas, Aleosan, North Cotabato.

Ayon kay Aleosan chief of police, Captain Arvin Cambang, dumalo lamang ang mga biktima sa birthday party ng kanilang kamag-anak ng biglang hagisan ng granada ang bahay nito ng dalawang hindi nakilalang suspek.

Mabilis na tumakas ang mga suspek lulan ng motorsiklo patungo sa bahagi ng Pikit, Cotabato.

Ang mga sugatan ay agad dinala ng kanilang mga kamag-anak sa Aleosan District Hospital at nagpapagaling na ngayon.

Sinasabang blangko pa ang mga otoridad sa motibo sa panghahagis ng granada sa bahay ng pamilya Cantomayor at patuloy pa ang ginagang imbestigasyon.