IMG c148d2aa519db083f8d94c02674abbc8 V

Posibleng tatlo sa mga biktima ng 2009 Maguindanao massacre ang nakaranas ng pang-aabusong sekswal.

Ito ang ibinunyag ng Quezon City Regional Trial Court Branch 221 sa ibinabang promulgation of judgement base na rin sa resulta ng otopsiya ng PNP Crime Laboratory.

Ayon kay PNP Crime Lab medico-legal officer Dean Cabrera sa ginawa nitong pagtestigo sa court trial, nakitaan nila ng semen sa kanilang ari ang mga bangkay ng biktimang sina Rahima Palawan, Leah Dalmacio at Cecil Lechonsito.

Bukod pa ito sa mga natamo nilang tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.

Magugunitang pinatawan ng life imprisonment ni Judge Jocelyn Solis-Reyes ang 28 principal suspect habang 15 dito ay naging accessories to the crime lamang na pinatawan ng anim na taon na pagkakabilanggo.