-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Nagpositibo sa coronavirus infectious disease ang tatlo sa halos 60 mga indibidwal na dumalo sa pinaimbestigahang derby sa Matina Gallera sa lungsod ng Davao noong buwan ng Marso.

Ang nasabing mga COVID-19 patient ay sina PH 3268, PH 3269 at PH3272 na nagmula sa probinsiya ng South Cotabato, North Cotabato at Sultan Kudarat.

Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay North Cotabato 2nd District Board Member Philbert Malaluan, isang 45 anyos nga lalaki si PH4272 na mula sa bayan ng Midsay na dumalo sa sabong na naganap sa lungsod ng Davao noong Marso 6 hanggang 12 kung saan umabot sa 56 ang kasama nito at tatlo lamang ang nakitaan ng malalang sintomas.

Samantala, si PH 3268 ay isang 56 anyos na lalaki mula Banga, South Cotabato at pangalawang kumpirmadong kaso ng COVID sa lalawigan.

Ayon kay Banga Mayor Albert Palencia, ang nasabing pasyente ay nasa estable nang kondisyon sa ngayon kung saan ang dalawang nakasama nito ay hindi naman nakitaan ng mga sintomas.

NGunit, nanawagan pa rin ang IPHO-South Cotabato sa mga nakadalo sa nasabing derby na agad makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan.

Sa ngayon, umakyat na sa sampu ang kumpirmadong kaso ng COVID sa Rehiton Dose habang sampu din ang namatay na PUI kung saan 3 buwang sanggol ang pinakabatang biktima.