-- Advertisements --
Bumaba muli ang foreign direct investments (FDI) sa Pilipinas noong Oktubre, dahil sa epekto ng kumpiyansa ng mga mamumuhunan sa bansa, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Batay sa datos ng BSP, ang FDI net inflows ay bumaba ng halos 40% sa $642 million noong Oktubre 2025, mula sa $1.067 billion sa parehong buwan noong 2024.
Dahil dito, umabot sa $6.2 billion ang kabuuang FDI inflows sa unang sampung buwan ng taon, bumaba ‘yan ng 25% kumpara sa $8.2 billion noong parehong panahon ng 2024.
Inaasahan ng BSP ang kabuuang FDI net inflow na $7.5 billion para sa buong taon, kaya’t ang datos mula Enero hanggang Oktubre nitong 2025 ay nasa humigit-kumulang 83% ng projection ng BSP.










