-- Advertisements --

KALIBO, Aklan—Itinuturing ng ilang progresibong grupo na nakakatakot na halimbawa ang pag-aresto ng US military kay Venezuelan President Nicolas Maduro at sa kaniyang maybahay na si Cilia Flores sa Caracas, Venezuela noong Enero 3, 2026

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni former Kabataan Partylist representative Raoul Manuel na ito ang dahilan kung kaya’t nagsagawa ng kilos protesta ang iba’t ibang grupo sa harap ng US Embassy sa Maynila noong Enero 5 upang kondenahin ang pag-atake ng Estados Unidos sa Venezuela.

Aniya, nakikisimpatya sila sa mga mamamayan ng Venezuela dahil sa maling hakbang ng Estados Unidos na maituring umanong abduction sa kanilang leader kasunod ng mga akusasyon na pagpasok ng ilegal na droga sa US.

Nanindigan din si Manuel na walang karapatan ang Estados Unidos na arestuhin ang leader ng isang bansa at posible rin aniyang mangyari ito sa iba pang bansa gaya na lamang sa 0Pilipinas kung hindi mag-align sa kaniyang kagustuhan at panuntunan ay basta na lamang salakayin ang bansa at dakpin ang presidente.

Mahigpit nila itong kinokondina dahil sa nilabag ni US President Donald Trump ang umiiral na international law.