Maari pa namang umapela at maghain ng motion for reconsideration ang tatlo sa 13 Pampanga ninja cops matapos inirekumendang masibak sa serbisyo ng PNP Internal Affairs Service (IAS).
Kinumpirma ni PNP OIC Lt Gen. Archie Gamboa na kaniya ng inaprubahan ang rekumendasyon ng IAS na sibakin ang mga ito sa serbisyo.
Ayon kay Gamboa nuong October 17 natanggap nito ang rekumendasyon at agad naman niya itong inaksiyunan.
Kinilala ni Gamboa ang tatlong pulis na sina Master Sgt. Donald Roque, Master Sgt. Rommel Vital, at Corporal Romeo Guerrero.
Ang tatlong pulis kasama si Police Lt. Joven de Guzman, ay inirekumenda ng IAS na sibakin sa serbisyo matapos ang maanomalyang Rizal drug raid.
“We have an agreement doon muna tayo sa 13 na pampanga. Yung 13 it’s very clear naririnig nyo sa balita that is the DOJ which is going to file the criminal charges but of course the participation of the CIDG will actively participate in that filing. Sa administrative it’s the Napolcom who is reviewing these cases para alam nyo lang kung ano ang degree ng participation ng PNP,” wika ni Lt.Gen. Gamboa.
Nilinaw naman ni Gamboa na apat sa pitong pulis sangkot sa Antipolo drug raid ay sangkot din sa kontrobersiyal na Pampanga raid nuong 2013.
Sa ngayon dismissed na ang tatlo sa apat na Pampanga ninja cops matapos pirmahan ni Gamboa.
” Of course iserve ng DP yung notice tapos they have the right to file for motion for reconsideration (MR), they can file, procedure kasi ito so they can file their MR sa office of the CPNP, kasi ako nag dismiss eh so ang appeal is MR sa office ko,” pahayag ni Gamboa.
inumpirma din ni Gamboa na sa ngayon anim sa pitong pulis sangkot at Antipolo raid ang dismissed na habang isa ang kasalukuyang nirerebyu ang kaso.