KALIBO, Aklan—Sakit sa ulo ng Solid Waste Management Services ng lokal na pamahalaan ng Kalibo, Aklan ang naiwan na tambak na basura sa ilang lugar ng festival zone partikular sa Kalibo Pastrana Park.
Bagaman may inilabas na Executive Order No. 56 si Kalibo Mayor Juris Sucro na mahigpit na ipinagbabawal ang pagtapon ng basura kahit saan at kung sinuman ang lalabag nito ay may kaukulang multa ngunit hindi pa rin ito nasunod dahil sa libo-libong kataong dumagsa na nakilahok at nakisaya sa opening salvo ng inaabangang Kalibo Ati-Atihan Festival 2026.
Ayon kay Kalibo Sangguniang Bayan Member Ronald Marte, nagising ang mga mamamayan na nagkalat ang basura ng mga pasaway at walang disiplinang festival goer kahit na may availablen na mga trash bin.
Maliban dito, umalingasaw rin ang iba’t ibang amoy sa paligid ng Pastrana Park na posibleng hindi kaagad nakapaglinis ang mga sweepers dahil sa hindi makasingit ang mga ito sa dami ng tao.
Sa kabila nito ay ikinatuwa pa rin nila ang hindi mahulugang karayom na bulto ng tao at kabuuang naging mapayapa ang nasabing selebrasyon.