-- Advertisements --

KALIBO, Aklan—Lubusang nababahala ang mga magsasaka sa kanilang kasalukuyang kalagayan dahil sa lalong pagbulusok ng presyo ng palay.

Ayon kay Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) chairperson Danilo Ramos, kailangan na nila ang intervention ng pamahalaan dahil sa lumalaki na ang kanilang kalugihan.

Inilahad nito ang tatlong bagay na dahilan ng mas lalong pagbaba ng presyo ng palay na kinabibilangan ng pagdaan ng sunod-sunod na bagyo, patuloy na pag-eksena ng mga rice cartel dahil sa kawalan ng awtoridad ng National Food Authority (NFA) na direktang bumili ng palay sa magsasaka at ang umiiral na Rice Liberalization Law o Republic Act 11203 na kahit inamyendahan noong 2024 ay wala pa rin itong epekto na lalong nagpapalugmok sa mga ito.

Dagdag pa ni Ramos na hindi totoo ang supply and demand sa usapin ng palay at bigas dahil ang mga middle man pa rin ang nagtatakda ng mga presyo nito sa merkado.