Reading Time: 1 minute

ROXAS CITY – Tatlong mga Pinoy na guro ang nakatanggap ng parangal sa historic 1st EP/MEP National Open House sa Satriwitthaya 2 School sa Bangkok, Thailand.

Napuno ng emosyon ang Satriwitthaya 2 matapos ini-presenta ng mga participating school ang kanilang projects sa Mathematics at Science para sa Prathomsuksa 4-6.

Nanguna rito ang Anubanchonburi School sa Central at Eastern Region kung saan coaches ang Pinoy teachers na sina Randy Cuaresma, Abener Legayada, at Jephunneh Burata.

Ayon kay Cuaresma, likas na sa ating mga Pinoy ang pagkamalikhain kung kaya’t nagamit nila ito sa pagbibigay ng iba’t-ibang stratehiya upang manatiling ‘focused’ at ‘motivated’ ang kanilang mga mag-aaral sa training.

Kampante naman si Legayada sa kanilang mga mag-aaral na mangunguna sa naturang kompetisyon dahil nakitaan na umano niya ang mga ito ng malaking potensiyal.