Reading Time: 1 minute

Napalaya na ang tatlong Filipino na dinukot sa Libya.

Ayon sa United Arab Emirates (UAE) foreign ministry na kasamang napalaya sa tatlong Pinoy civil engineers ang isang kasamahan nilang South Korean.

Isinagawa ang pagpapalaya ng mga hindi pa kilalang armadong kalalakihan dahil na rin sa pagsisikap ng gobyerno ng Abu Dhabi at Libyan National Army.

Magugunitang dinukot ng mga armadong kalalakihan ang mga biktima habang sila ay nasa plantang pinagtatrabahuan nila noon pang Hulyo 2018.