NAGA CITY- Patay ang tatlo katao sa magkahiwalay na aksidente sa lalawigan ng Quezon.

Una rito, dalawa katao ang binawian ng buhay sa banggaan ng dalawang sasakyan sa Brgy. Sildora Agdangan Quezon.

Kinilala ang mga biktima na sina Romulo Flores Noda, 22-anyos at isang 16-anyos.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga, nabatid na habang binabaybay ng motorsikong sinasakyan ng mga biktima ang kalsada sa naturang lugar nang bigla itong mag-overtake sa sinusundang sasakyan.

Ngunit bigla itong nakabangga sa kasalubong na Toyota Hiace Commuter.

Kaugnay nito nagtamo ng malalang tama sa ulo ang mga biktima na agad namang itinakbo sa ospital ngunit hindi na naagapan pa ang buhay.

Samantala, isang pedestrian din ang binawian ng buhay matapos masagasaan ng isang Toyota Innova sa Barangay Biyan, Calauag sa parehong lalawigan.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing pangyayari.