Reading Time: 1 minute
Quezon City map
QC MAP

Patay ang tatlong katao matapos ang naganap na sunog sa isang bahay sa Blue Ridge Subdivision, Katipunan, Quezon City.

Nasawi ang 87-anyos na may-ari ng bahay, anak nitong 40-anyos at 35-anyos na caregiver nito.

Nagsimula ang sunog pasado 2 a.m. nitong Biyernes kung saan itinaas pa ito sa ikatlong alarma.

Dahil sa laki ng sunog ay bumagsak ang ikalawang palapag.

Ayon sa kasambahay na nakaligtas, nakarinig ito ng putok bago tuluyang sumiklab ang sunog sa bahagi ng kanilang kusina.

Inaalam pang mabuti ng mga otoridad ang sanhi ng nasabing sunog.