-- Advertisements --

Patay ang tatlong katao habang isa ang nawawala matapos ang matinding pagbaha sa lalawigan ng Nghe An, Vietnam dahil sa ulang dulot ng Bagyong Wipha (dating Crising).

Isa sa mga nasawi ay natabunan ng landslide, habang ang isa pa ay inanod ng malakas na agos ng tubig baha.

Higit sa 3,700 kabahayan din ang nalubog sa baha at 459 pa ang nasira dahil sa malalakas na hangin. Nasira rin ang 1,600 ektarya ng palayan at 1,290 ektarya ng iba pang pananim.

Samantala nagbabala ang national weather agency ng Vietnam na posibleng umabot sa 250mm ang ulan sa mga susunod na araw, na maaaring magdulot pa ng mas matinding pagbaha at pagguho ng lupa sa mga apektadong rehiyon.