-- Advertisements --

Bumababa na ang bilang ng mga lugar na binabaha sa bansa dahil sa pagbuti ng panahon.

Maaalalang maraming lugar sa Pilipinas ang binaha dahil sa mga mga pag-ulang dulot ng habagat, bagyong Crising, Dante at Emong.

Ayon sa NDRRMC, aabot na lamang sa 474 mula sa 500 lugar ang nananatiling lubog sa tubig baha.

Naitala ang pinakamaraming bilang ng mga lugar na apektado sa Central Luzon na sinundan ng Ilocos Region, CALABARZON, Western Visayas, at MIMAROPA.

Halos dalawang milyong pamilya o 7.2 milyong indibidwal ang naapektuhan ng baha, habang nananatili sa 34 ang bilang ng nasawi.