-- Advertisements --

Naglabas ng advisory ang Energy Regulatory Commission (ERC) na nag-uutos sa mga distribution utilities (DUs) sa mga lugar na isinailalim sa State of Calamity dahil sa Bagyong Crising, Dante, Emong, at sa pinalakas na Habagat na suspendihin ang pagpuputol ng kuryente para sa mga residential at non-residential consumers mula Hulyo 19 hanggang Agosto 31, 2025.

Inatasan din ang mga DUs na mag-alok ng flexible payment schemes upang matulungan ang mga apektadong konsumer.
Pinayagan ang mga kumokonsumo ng hindi hihigit sa 100 kilowatt-hours bawat buwan na ipagpaliban ang kanilang bayad at bayaran ito bilang hulugan sa loob ng tatlong buwan mula sa pagtanggap ng bill.

Kasama rin sa iniutos ng ERC ang mga generation companies at iba pang energy sector entities tulad ng PSALM, NPC, TRANSCO, NGCP, IPPs, IPPAs, at Market Operator, na dapat ding magpatupad ng proportionate staggered payments sa DUs.

Bukod dito nagpaalala naman ang ERC sa mga may kakayahang magbayad kung saan hinikayat pa ring bayaran ang kanilang electric bill sa tamang oras.