TACLOBAN CITY – Arestado ang tatlong kalalakihan na nagpapataya ng iligal na swertes sa magkahiwalay na operasyon ng mga kapulisanm sa iba’t ibang bayan sa probinsya ng Leyte.

Ito ay sa gitna nang pinahigpit na monitoring ng Leyte Police Provincial Office (LPPO) sa mga iligal na nag-o-operate ng STL at iba pang mga numbers game dahil sa nagpapatuloy na suspension order nito.

Ayon kay Maj. Margarito SalaƱo, tagapasalita ng LPPO, kinilala ang mga ito na sina Edgardo Matutina residente ng Kananga, Leyte; Jopet Bargan, residente ng Leyte-Leyte at Pedro Ong ng Javier, Leyte.

Nakumpiska sa naturang mga suspek ang ilang mga tip money at ticket na kanilang ginamit sa pagpapataya.

Nanawagan naman ang naturang opisyal sa publiko na patuloy na makigpag-ugnayan sa kanila at magreport kung may malaman na nag-o-operate ng STL o ibang uri ng numbers game.