Idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang state of calamity sa Eastern Visayas dahil sa problemang dulot ng San Juanico Bridge.
Ayon sa Pangulo na ang nasabing deklarasyon ay base na rin sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Magiging epekto sa loob ng isang taon ang state of calamity para maagapan ang epekto ng pagsasaayos ng San Juanico Bridge mula sa mga residente ng Samar at Leyte.
Nakasaad sa proklamasyon 920 na ang State of Calamity ay isang paraan para magamit ang pondo ng local government units at national government ng pondo para sa pagsasaayos ng nasabing tulay.
Inatasan din ng Pangulo ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na makipag-ugnayan sa mga local government units na maghanap ng paraan para sa pagsasaayos ng nasabing tulay.
Ganun din ay marapat na tulungan din ng Department of Budget Management (DBM) ang DPWH na makahanap ng sapat na pondo para sa pagsasaayos ng tulay.
Ang 2.16 kilometers na San Juanico Bridge ay nagsisilbing tanging permanenteng nagdudugtong sa isla ng Samar at Leyte ganun din ang nagdudugtong sa ilang lugar sa Luzon, Visayas at Mindanao.