-- Advertisements --

Magtatayo ng bagong tulay ang pamahalaan sa Leyte na mas mahaba sa San Juanico Bridge.

Ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manny Bonoan na may plano na para magtayo ng bagong tulay malapit at katabi ng San Juanico Bridge.

Sinabi ni Bonoan nasa preparation stage na ngayon ang pagtatayo ng bagong tulay na maituturing na isa sa flagship projects ng Marcos Jr., administration.

Ang nasabing proyekto ay popondohan ng Japanese government.

Sa ngayon sumasailalim na ito sa isang detailed engineering design ang bagong itatayong tulay na posibleng makumpleto sa taong 2026 at saka susundan na ito ng construction.

Hindi pa masabi ni Bonoan kung magkano ang pondong ilalaan sa construction ng nasabing tulay, malalaman lamang ito kung matapos na ang engineering design.

Ibinahagi ni Secretary Bonoan na ang kanilang orihinal na plano ay tapusin ang construction ng bagong tulay at saka nila isara ang San Juanico Bridge para isailalim sa major rehabilitation.