-- Advertisements --
Aabot sa mahigit 3 milyon manggagawa mula sa formal sector ang nawalan na ng trabaho dahil sa nararanasang coronavirus pandemic.
Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE) ang pansamantalang pagsasara ng negosyo at temporary closure o flexible working arrangement ang siyang naging dahilan ng pagtaas ng bilang na nawalan ng trabaho.
Karamahin na nawalan ng trabaho ay sa NCR, Calabarzon at Region 3 kung saan naapektuhan dito ang administrative and support activities gaya ng travel agency, tour operators, spa, at manufacturing.
Asahan pa aniya na tataas pa ang nasabing bilang hanggang hindi pa bumabalik sa normal ang kalakaran ng negosyo.