Dumating na sa bansa kaninang alas-6:00 ng gabi ang nasa 3 million doses procured Sinovac vaccine habang mamayang alas-10:45 ng gabi darating sa bansa ang nasa 15,000 doses ng Sputnik vaccine (Component 2).
Sa ulat ng National Task Force Against Covid -19 sumampa na sa mahigit 33,099,392 doses ang na-administered nationwide sa nagpapatuloy na vaccination program ng gobyerno.
Mula sa nasabing bilang 13million,784,681 individuals ang fully vaccinated habang nasa 19,314,711 ang naturukan na ng first dose.
Ayon kay Chief Implementer at vaccine czar Sec Carlito Galvez, umabot sa mahigit 2.7 million doses ang na-administered nuong ika-26th week ng nagpapatuloy na national vaccination.
Binigyang-diin ni Galvez na ang ang tanging depense laban sa Covid-19 virus at sa iba pang mga variants ay ang striktong pagsunod sa minimum public health standards at ang magpabakuna.
Patuloy na pina-alalahan ni Galvez ang publiko na magsuot ng mask at face shield,observe physical distancing at maghugas ng kamay.
Pina-alalalahan din ni Galvez ang mga nabakunahan ng first dose na tiyakin mabakunahan sila ng second dose.
Binigyang-diin ni Galvez na lahat ng bakuna laban sa Covid-19 ay epektibo taliwas sa pasaring ng dating government advisor na hindi lahat ng bakuna ay epektibo laban sa Covid-19.
Nananawagan naman si DOH Secretary Francisco Duque sa kapwa healthcare professionals na maging mindful sa kanilang mga pahayag lalo na sa Covid-19 vaccine na nakakaligtas ng buhay.
Hinahamon naman ni Galvez ang dating government advisor na itama ang kaniyang pahayag at lahat ng bakuna na binili ng gobyerno ay may rekumendasyon ang Vaccine Expert Panel.
Giit ng kalihim ang bawat vaccine ay may ibat ibang efficacy rates laban sa Delta variant kabilang ang Sinovac at epektibo base sa real world data.