-- Advertisements --

Magpapatupad ng gun ban ang PNP sa tatlong lugar sa araw ng ikalawang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sinabi ni PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr. na ipapatupad nila ang gun ban sa Metro Manila, Central Luzon at Calabarzon.

Ang nasabing hakbang aniya ay base na rin sa rekomendasyon ng police Directorate for Operations.

Magsisimula ang gun ban mula 12:01 ng umaga ng July 24 hanggang 12 ng madaling araw ng July 25.

Sa panahong ito ay lahat ng mga permit to carry firearms outside of residence ay suspendido sa nabanggit ng mga lugar.

Tanging mga miyembro ng PNP, Armed Forces of the Philippines at ilang law enforcement agencies na nakaduty at naksuot ng uniporme ang papayagang magbitbit ng kanilang mga baril.

Paliwanag ng PNP kaya nila isinama ang Calabarzon at Central Luzon dahil sa ito ay malapit sa Metro Manila.