BUTUAN CITY – Umaasa ang grupo ng mga manggagawa na ihayag ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ang kanyang sa kanyang State of the Nation Address (SONA) ngayong araw ang kanyang mga plano at agenda para sa karapatan ng mga manggagawa ng Pilipinas.
Ayon kay Atty. Sonny Matula, Pangulo ng Federation of Free Workers, dapat bigyang-pansin ng pangulo ang mga nakabinbing legislative proposals para sa kapakanan ng mga manggagawa ng ating bansa.
Umaasa ang mga unyonista na bibigyan nang importansya ni Pangulong Marcos ang usapin ng sahod ng mga manggagawa, pati na ang pag-alis sa kontraktwalisasyon o ENDO — o end of contract ng isang empleyado pagkatapos ng limang buwang pagtatrabaho — gayundin ang paguo ng mga unyon at pagkaroon ng kapangyarihan sa kani-kanilang mga kumpanya.
Dapat din aniyang bigyang pansin ng Pangulo ang kaligtasan ng mga manggagawa, lalo na ang mga direktang apektado sa init ng araw o lamig ng panahon.
Sinabi ni Matula na hindi gaanong binigyang pansin ng administrasyong Marcos ang pangangailangan ng kanilang sektor lalo na’t naging problema ng mga manggagawa ang tugon ng gobyerno sa halos hindi na tumaas na sahod ng mamamayang Pilipino.