DAGUPAN CITY – Kalunos-lunos ang sinapit ng magkakamag-anak na naaksidente sa Binmaley, Pangasinan.

Patay ang tatlo kabilang ang dalawang bata, habang apat na iba pa ang sugatan sa salpukan ng van at traysikel.

Ayon sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo, ang pitong magkakamag-anak ay magsisimba lang sana nang salpukin ng kasalubong na van na papuntang Lingayen.

Dead on the spot ang nagmaneho ng traysikel na si Leody Padua.

Binawian naman ng buhay ang dalawang bata habang nananatili sa intensive care unit ng ospital ang apat na ibang sugatan.

Humingi na ng tawad ang drayber ng van pero desidido ang mga kaanak ng mga biktima na ito ay kasuhan.

Kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide ang posibleng kaharapin ng drayber.