CAUAYAN CITY- patay ang dalawang tsuper ng motorsiklo backrider matapos na magbanggaan sa Brgy San Placido, Roxas, Isabela.

Ang mga nasawi ay sina Edwin Parocha ,driver ng Honda TMX residente ng Barangay San Jose,Roxas Isabela at ang driver ng Yamaha motorcycle na si Rex Bulauan, 54 anyos, residente ng Barangay Imbiao,Roxas Isabela at ang kaangkas ni parocha na si Amador Ticman, 39 anyos,isang OFW at residente ng Barangay Marcos,Roxas,Isabela.

Batay sa pagsisiyasat ng Roxas Police Station binabagtas ng motorsiklong minamaneho ni Parocha ang lansangan patungong timog na direksyon habang patungo naman ang motorsiklong minamaneho ni Bulauan sa kasalungat na direksyon.

Nang makarating sa pinangyarihan ng aksidente ay pumunta sa kabilang linya ang motorsiklo ni Parocha sanhi upang bumangga ito sa kasalubong na motorsiklo.

Agad dinala sa ospital ang mga biktima upang malapatan ng lunas subalit idineklarang dead on arrival sina Parocha at Bulauan ng kanilang attending physician at namatay habang nilalapatan ng Lunas si Ticman dahil sa matinding sugat sa mga katawan dulot ng aksidente.