Kaagad isinugod sa ospital ang tatlong individwal na empleyando ng isang tindahan ng ukay-ukay makaraang masunog ang kanilang pinagtatrabahuhan tindahan sa may Commonwealth, Tandang Sora sa Quezon City, Linggo ng madaling araw.

Batay sa report, natutulog ang mga biktima at apat na iba pa sa ika-2 palapag ng Tops Building nang magising ang isa sa kanila bandang alas-3:30 ng umaga at nasusunog ang nasabing building.

Nakaligtas ang apat na mga biktima, pero dahil sa kapal ng usok, hindi na nila nagising ang mga kasama nilang sina Jonard Auditor, Arnel Tomas Atiyeng at Angelito Torazzo.

Nailigtas lamang ang mga ito matapos maapula ang sunog alas-4:30 ng madaling-araw.

Sa ngayon iniimbestigahan na ngayon ang sanhi ng sunog na posibleng may kaugnayan sa elektrisidad.

Inaalam na rin ang halaga ng natupok na ari-arian sa pitong establisyementong nasa loob ng gusali.