-- Advertisements --

Kinumpirma ni National Bureau of Investigation (NBI) Officer-in-Charge Atty. Angelito “Lito” Magno na nakikipag-ugnayan na sa mga embahada ng Pilipinas para sumuko ang tatlong indibidwal na inaakusahang sangkot sa maanomaliyang flood control projects.

Ayon sa NBI chief, galing ang naturang impormasyon mula mismo kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla.

Aniya, mayroon nang surrender feelers mula sa mga indibidwal na nasa ibang bansa na idinadawt sa maanomaliyang proyekto.

Sinabi naman ng NBI chief na ang mga at-large na indibidwal na nasa labas ng bansa ay maaaring boluntaryong umuwi ng bansa. Makipag-ugnayan lamang aniya at kanilang susunduin ang mga ito sa paliparan o ‘di naman ay magpapadala ang gobyerno ng law enforcements na maaaring sumundo sa kanila.

Samantala, tuloy naman ang monitoring ng NBI sa galaw ni dating Ako Bicol Party list Representative Zaldy Co na huling namataan sa Japan.

Iniulat din ng opisyal na sa pagsisilbi ng arrest warrant kay Co sa kaniyang bahay, nakita ang mga vault, mga maleta at mga kahon, subalit nilinaw ni Magno na hindi nila hinalughog ang mga ito dahil sa kawalan na rin ng search warrant.