Nasa maayos na kondisyon umano ang tatlong ipinakulong ng Senate committee on justice dahil sa pagsisinungaling sa hearings.

Ang dalawang babaeng jail officer ay nanatili sa isang silid sa Senado at binigyan ng pagkakataon na masuri ng medical personnel.

Partikular na ipiniit sa Seante building sina CO3 Veronica Buño at Maribel Bansil.

Habang nakulong naman sa New Bilibid Prisons (NBP) ang demoted police na si Maj. Rodney Baloyo.

Si Baloyo ang team leader ng operating troop na nagsagawa ng buy bust operation sa bahay ng Chinese na si Johnson Lee, kung saan 36 kg lamang ang idineklarang nakuhang droga, mula sa orihinal na 200 kg shabu.

Sinasabing nagkaroon din ng mga bagong sasakyan ang grupo ni Baloyo, ilang araw matapos ang kanilang anti-drug operation.