-- Advertisements --
Tinapos na ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa ikalawang araw ang sanay tatlong araw na rally laban sa kurapsyon sa Quirino Grandstand.
Ayon kay INC spokesperson Edwil Zabala na minabuti nilang tapusin ito sa ikalawang araw dahil nakamit na nila ang kanilang mithiin na ipanawagan ang hustisya at pananagutan.
Base sa pagtaya ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office na sa ikalawang araw ng rally ay aabot sa 550,000 katao ang dumalo.
Ang nasabing bilang ay mas mababa sa unang araw na mayroong 650,000 na katao ang dumalo.
Itinuturing naman ng Department of Interior and Local Government (DILG) na mapayapa ang kabuuang takbo ng rally.
















