-- Advertisements --

Natabunan ang tatlong bus ng mga lupa dahil sa nangyaring landslide sa Maco, Davao de Oro nitong Martes ng gabi.

Ayon kay Edward Macapili ang executive assistant on information and communications ng Davao de Oro, ang mga bus ay lulan ng mga empleyado ng minahan sa lugar.

Pauwi na ang mga minero ng maganap ang landslide sa Zone 1, Masara.
Mayroon na silang unang walong katao ang nailigtas at patuloy ang ginagawang rescue ng mga otoridad sa lugar.

Nagpatupad na ang provincial government ng Davao de Oro ng forced evacuations sa mga sumusunod na baranga Masara, Mainit, Tagbaros, Elizalde, Panibasan sa bayan ng Maco.

Bago ang lanslide ay nagtala na ang Davao de Oro Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ng 21 na nasawi dahil sa malawakang pagbaha dulot ng ilang araw na pag-ulan sa lugar.