-- Advertisements --

Mahigpit pa rin na ipinapatupad ng Philippine National Police (PNP) ang maximum tolerance sa kabila ng kabi-kabilaang pagpoprotesta ng ilang mga progresibong grupo sa iba’t ibang bahagai ng Metro manila.

Sa isang panayam, muling inihayag ni PNP Spokesperson PBGen. Randulf Tuano na nais ni Acting PNP Chief PLtGen. Jose Melencio Nartatez Jr. at maging ni Department of interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na irespeto at igalang ng pulisya ang karapatan ng mga mamamayang pilipino na makapagpahayag ng kani-kanilang saloobin.

Kasunod nito tiniyak naman ni Tuano na habang ipinapatupad ang maximum tolerance ay sinisiguro pa rin ng PNP ang kaayusan at hindi papayagan ang kahity anumang paglabag sa batas.

Una rito nais din aniya ng Secretary of the Interior and Local Government at ni Nartatez na ang mga tauhan ng PNP na haharap sa mga raliyista at sa publiko ay wala aniyang dalang armas o maski baton.

Samantala, nanindigan din si Tuano na mayroong hangganan ang maximum, tolerance na pinapairal ng pulisya lalo na kung makitaan na nila ng mga paglabag sa batas ang mga nagsasagawa ng programa.