CENTRAL MINDANAO – Tatlong mga aktibong bulkan ang tinukoy ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs Kidapawan) ang malapit sa probinsya sa Cotabato.

Ayon kay Philvolcs Kidapawan chief Engr Milo Tabigue may 23 active volcanoes sa buong bansa at walo nito ay nasa Mindanao.

Ang mga ito ay kinabibilangan ng Mount Hibok-hibok sa Camiguin, Mount Makaturing sa Lanao del Sur, Mount Jolo Group sa Jolo Sulu, Mount Musuan sa Bukidnon, Mount Ragang sa hangganan ng Lanao del Sur at Maguindanao kabilang din ang dalawang active volcanoes sa South Cotabato ang mount Matutum at Mount Parker.

Ang tatlong aktibong bulkan na malapit sa probinsya ng Cotabato na tinukoy ng Phivolcs ay ang Mount Musuan sa Bukidnon na nakapagtala ng dalawang pagsabog.

Mount Parker na nakapag-record ng isang eruption at Mount Parker na walang naitalang pagsabog na par3ehong nasa lalawigan ng South Cotabato.

Paliwanag pa ng Phivolcs, ang mga active volcano ay may mga kasaysayan ng pagsabog at maaari itong sumabog muli.

Nilinaw naman ni Engr Tabigue na ang Mount Apo na nasa North Cotabato ay nasa kategorya ng potentially active volcano na ibig sabihin libu-libong taon pa ang lilipas bago ito maging active.

Nilinaw ni Tabigue na ang mga bulkan sa Pilipinas ay nasa tatlong katergoya ito ay active, potentially active at inactive volcano.