-- Advertisements --
Nakapagtala ngayon ang Department of Health (DOH) ng ikalawa sa pinakamababa ngayong taon na umaabot sa 1,223 na mga karagdagang kaso ng COVID-19.
Ang kabuuang dinapuan ng virus sa Pilipinas mula noong taong 2020 ay umaabot na sa 3,660,020
Samantala mayroon namang naitalang 2,400 na mga bagong gumaling
Ang mga nakarekober dahil sa sakit ay nasa 3,549,735 na.
Meron namang 128 na mga nadagdaga na pumanaw
Ang death toll sa bansa ay umaabot na sa 56,351.
Bumaba rin naman sa 53,934 ang mga aktibong kaso.
Ito na ang pinakamababang active cases sa bansa mula January 5, 2020.
Habang mayroong apat na laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS) ng DOH.