-- Advertisements --

HONG KONG – Inaresto ng mga pulis ang 29 katao sa magdamag dahil sa nagpapatuloy pa ring kaguluhan sa pagitan ng mga raliyista at ng mga otoridad Hong kong.

Kahapon, Agosto 24, sumugod ang mga aktibista sa industrial area ng Kwun Tong.

Naging marahas ang komprontasyon nila ng mga pulis dahil sa pambabato ng mga raliyista ng kanilang petrol bombs at bricks.

Nagpakawala naman ng tear gas ang hanay ng pulisya matapos na gumamit ng Molotov cocktails ang mga nagsasagawa ng kilos protesta.

Ang iba sinira pa ang mga “smart” lamp posts dahil sa mayroong mga surveillance cameras na nakakubli sa mga ito.

Ito ang unang pagkakataon na gumamit muli ang pulisya ng tear gas laban sa mga aktibista makaraan ang isang linggong mapayapang kilos protesta sa Hong Kong.