-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Naglunsad na ng malalimang imbestigasyon ang PRO-12 sa 28 pulis at mga opisyal na sangkot umano sa Police Paluwagan Movement (PPM) investment scheme.

Ito ang kinumpirma ni Col. Bernardo Mendoza, acting director ng Police Regional Office-Internal Affairs Service ng (PRO-IAS) 12.

Kabilang umano ito sa pinakamalaking kaso na kanilang iniimbestigahan.

Kung mapapatunayan na sangkot sila sa PPM tanggal sa serbisyo ang kaparusahan at mahaharap pa sa kasong administratibo.

Maalalang unang nagpalabas ng direktiba si Interior and Local Gopvernment (DILG) Secretary Eduardo Año na sipain sa pwesto sina Colonel Raul Supiter, Col. Manuel Lukban at Lt. Col. Henry Biñas nang masangkot sila sa P2 billion investment scam.

Nang-i-engganyo ang PPM na mag-invest ng pera kapalit ng P60% na interest sa loob lamang ng 17 araw.

Inabisuhan na ang 28 pulis sa kinahaharap nilang kaso at pansamantalang ni-relieve muna sa pwesto.