-- Advertisements --

Nagsagawa ngayong araw ang ilang grupo binubuo ng mga Muslim ng demonstrasyon sa harap ng Korte Suprema upang idulog ang kanilang hinaing at maging ang pagsuporta sa gaganaping Bangsamoro Parliamentary Elections 2025.

Ayon kay Atty. Lanang T. Ali, Jr, Member of the Parliament ng Bangsamoro Transition Authority na dapat itong matuloy sa darating na Oktubre.

Aniya’y suportado nila ang pagsasagawa ng eleksyon nang sa gayon ay kanilang maipakita ang boses ng mamamayan sakop ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Samantala, kasabay naman nito ang kanilang paghahain ng petisyon upang hamunin kung naayon sa konstitusyon ang napasabatas ng Bangsamoro Autonomy Act No. 77 o ang Bangsamoro Parliamentary Redistricting Act of 2025.

Ani Atty. Lanang T. Ali Jr, labag umano ito sa batas dahil sa ito’y ‘gerrymandering’ o pinagsama-sama ang mga distrito o munisipyo na aniya’y pabor sa interes ng iilan.

Kaya’t sa kanilang demonstrasyong isinagawa ngayong araw ay bilang pagtutol sa naturang batas sapagkat giit nila’y ito ay ‘unconstitutional’.