Nahuli ng mga operatiba ng PNP Counter Intelligence Task Force sa Camp Crame ang bagitong pulis na naaresto dahil sa robbery extortion sa San Mateo Rizal.

Ayon kay PNP CITF chief, Police Senior Supt. Jose Chiquito Malayo, na pang 27 police scalawags na si PO1 Reynaldo Barretto na nahuli sa isinagawang entrapment operation ng kanilang hanay.

Nakatalaga si Barreto sa NCRPO na ang modus ay kotongan ang nahuhuling suspek na may kinalaman sa droga.

Ayon kay Malayo na araw-araw na silang nakatatanggap ng reklamo laban sa mga police Scalawags.

Mahigit na sa 5,000 reklamo ang natatanggap ng PNP-CITF mula nang itatag nuong Pebrero kung saan higit sa 900 sa mga inirereklamong pulis ay tukoy na siyang target ngayon ng kanilang operasyon.