Nakapagtala ang Department of Health (DoH) ng 26,303 na karagdagang kaso ng COVID-19 ngayong araw.
Ito na ang pinakamataas na bilang para sa daily cases ng naturang sakit, mula noong taong 2020.
Samantala ay mayroon namang 16,013 na gumaling at 79 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 8.4% (185,706) ang aktibong kaso, 90.0% (1,985,337) na ang gumaling, at 1.59% (34,978) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong September 9, 2021 habang mayroong dalawang laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng dalawang laboratoryong iyon ay humigit kumulang 0.8% sa lahat ng samples na naitest at 1.1% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
Nakapag-record umano ang DoH ng 52 duplicates sa total case count, dahil napag-alamang ang 45 sa mga ito ay tuluyan nang naka-recover.
Samantala, 32 cases naman na naunang naisama bilang recoveries ay natuklasang pumanaw na, batay sa final validation.