Bahagyang mataas kumpara kahapon ang mga bagong nahawa sa COVID-19 sa Pilipinas.
Ito ay makaraang iulat ngayon ng Department of Health (DOH) ang 2,376 na karagdagang kaso ng COVID-19.
Sa kabuuan ang mga dinapuan ng coronavirus mula noong nakaraang taon ay umaabot na sa 2,797,986.
Samantala, mayroon namang bagong naitalang gumaling na umaabot sa 2,109.
Ang mga nakarekober sa bansa mula noong nakaraang taon ay umaabot na sa 2,716,524.
Ang mga aktibong kaso ngayon sa bansa ay umaabot sa 37,377.
Sa kabila nito marami pa rin ang mga nadagdag na namatay na umaabot sa 260.
Ang death toll sa bansa dahil sa deadly virus ay lagpas na sa 44,000 o nasa 44,085.
Mayroon namang apat na laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 4 labs na ito ay humigit kumulang 1.4% sa lahat ng samples na naitest at 0.9% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
“32 duplicates were removed from the total case count. Of these, 24 are recoveries. Moreover, 219 cases that were previously tagged as recoveries were reclassified as deaths after final validation,” bahagi ng DOH advisory. “All labs were operational on November 3, 2021 while 4 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Document Repository System (CDRS). Based on data in the last 14 days, the 4 non-reporting labs contribute, on average, 1.4% of samples tested and 0.9% of positive individuals.”