South Sumatra
South Sumatra

Patay ang 26 katao na pasahero ng bus matapos na mahulog ito sa matarik na bangin sa Indonesia.

Tinatayang nasa 50 pasahero ang sakay ng bus ng ito ay mahulog sa bangin sa probinsiya ng South Sumatra.

May lalim ang bangin ng hanggang 500 talampakan.

Mula sa Bengkulu City patungo sana sa Palembang ang bus ng ito ay mahulog.

Itinakbo naman sa pagamutan ang 13 nasugatan sa insidente.

Iniimbestigahan na ng mga otoridad ang sanhi ng nasabing aksidente.