-- Advertisements --

ladang

Pinaghahanap na ngayon ang nasa 26 na mga pasahero ng isang motorboat na lumubog sa may bahagi ng central Indonesia nuong Huwebes bandang alas-3:30 ng madaling araw.

Batay sa ulat ng local rescuer, nasa 17 mga indibidwal ang kanilang na rescue, galing ang nasabing motorboat sa Makassar’s Paotere Harbor at patungo ito sa Kalmas Island.

Ang nasabing motorboat na may pangalan na Ladang Pertiwi, pinaniniwalaang nauubusan ng gasolina at na trapped dahil sa masama ang panahon.

-- Advertisement --

Ayon kay Djunaidi, head ng Makassar search and rescue office, nakatanggap lamang sila ng ulat na may lumubog na barko nitong Sabado lamang ng umaga matapos na rescue ang 17 pasahero.

Dagdag pa ni Djunaidi, batay sa record nasa 43 pasahero lamang ang sakay ng Ladang Pertiwi pero pinaniniwalaang nasa 60 ang kabuuang pasahero nito.