Dumating na sa bansa ang 25 na Filipino na naapektuhan sa pagtama ng magnitude 7.8 na lindol sa Turkey.
Sinalubong ni Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary for Migrant Workers Affairs Eduardo de Vega ang mga Filipino ng lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 ang sinakyan nilang Qatar Airways Flight 932.
Sinabi ni Vice Consul Angela Tolentino ng Philippine Embassy sa Ankara, Turkey na walang naging problema sa mga dokumento ng mga nakauwing Filipino kaya sila ay mabilis na nakabalik sa bansa.
Dagdag pa nito na matapos ang lindol noong Pebrero 6 ay agad na nakipag-ugnayan ang Philippine Embassy sa Ankara sa DFA at agad silang nagsagawa ng relief rescue at evacuation team sa mga naapektuhan ng lindol.
Patuloy din aniya nilang inaayos ang mga papeles ng ikalawang batch ng mga uuwing Filipino.