-- Advertisements --

DOHA, Qatar – Kinumpirma ng Embahada ng Pilipinas sa Qatar na walang Pilipinong nasaktan sa nangyaring airstrike ng Israel sa lungsod ng Doha nitong nakaraang araw.

Target umano ng opensiba ang ilang lider ng Hamas na pansamantalang naninirahan sa naturang bansa.

Sa hiwalay na impormasyon, nakaligtas umano ang mga subject ng pag-atake.

Bagama’t ligtas ang mga kababayan natin, nanawagan ang embahada ng patuloy na pag-iingat sa gitna ng tensyon sa rehiyon.

Patuloy na mino-monitor ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang sitwasyon upang matiyak ang kaligtasan ng mahigit 260,000 Pilipinong naninirahan sa Qatar.

Iniulat naman ni Bombo International News Correspondent Joseph Rivera na mabilis naman ang naging pagtugon ng Qatari authorities matapos ang pagsabog.

Agad din umanong na-cordon ang lugar at inasikaso ang labi ng sundalong nasawi.

Pinayuhan naman ang mga Pilipino na iwasan ang paglabas kung hindi kinakailangan, manatiling alerto sa mga balita at abiso ng lokal na awtoridad, makipag-ugnayan sa embahada para sa anumang emergency.