-- Advertisements --
AFP soldiers Army DND

Tanging ang mga nasa front line lang muna ang target ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para isalang sa pagbabakuna ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) kapag dumating na ang mga covid vaccines dito sa Pilipinas.

Sa panayam ng Bombo Radyo Philippines sa bagong talang AFP Chief of Staff Lt. General Sirilito Sobejana, sinabi nitong 25 percent lamang ng kabuuang populasyon AFP ang target nilang mapabakunahan lalo na ang mga kasama sa front line.

Katumbas ito ng 31,250 na miyembro ng AFP mula sa 125,000 active personnel ng militar.

Paliwanag naman ni Sobejana, 25 percent lang ang uunahin dahil sila ang kailangang bakunahan at karamihan sa mga sundalo raw ay abala sa kanilang tungkulin para protektahan ang teritoryo ng bansa.

Tiniyak naman ni Sobejana na buo ang suporta nila sa pamahalaan lalo na sa Department of Health (DoH) para sa isasagawang pagbabakuna sa ating mga kababayan ng COVID-19.