Nakaalis pabalik sa kanilang bansa ang nasa 243 na Chinese workers na inaresto dahil sa sangkot sa investment scam.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, nangailangan pa ng tatlong eroplano ang China para magkasya ang mga naarestong Chinese.

Katuwang ang mga otoridad ng China ay matagumpay na napauwi ang mga naarestong iligal Chinese workers.

Ang nasabing mga Chinese ay naaresto sa isinagawang operasyon ng mga kapulisan noong Setyembre.

Hinihintay pa ng BI ang ilang mga papeles ng mga naarestong Chinese sa iba’t-ibang operation na isinagawa ng mga otoridad sa bansa.