-- Advertisements --

Nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 23 kataong sakay ng isang recreational boat matapos itong lumubog sa karagatan sakop ng Quezon province at Masbate.

Ayon sa PCG, nagkaroon ng butas ang hull ng banka habang bumibiyahe ito lulan ang mga biktima.

Natukoy ang banka bilang RBCA Harlyn na binabaybay ang karagatan mula sa Port of San Andres patungong Sombrero Islands sa San Pascual, Burias, Masbate.

Nang matagpuan ng PCG ang naturang banka, kalahati na nito ang nakalubog sa tubig.

Ligtas namang nailipat ang lahat ng sakay, kasama ang 3 tripulante at ang nagsisilbing kapitan ng banka.

Sa ulat ng PCG, nagtamo ng mga galos ang siyam na pasahero ngunit agad namang dinala ang mga ito sa pagamutan para sa agarang medical attention.