Nakatakdang aprubahan na ng NBA Board of Governors ang 22-team return ng liga sa Orlando.

Magsisimula ang pagbabalik ng NBA sa July 31 at ang posibleng Game 7 ng NBA Finals ay ganapin sa Oktubre 12.

Kada 22 teams ay mayroong walong regular season games bago umabot sa playoffs.

Sa Eastern Conference Play off ay binubuo ng Toronto Raptors, Milwaukee Bucks, Boston Celtics, Miami Heat , Indiana Pacers, Philadelphia 76ers, Orlando Magic at Brooklyn Nets.

Habang binubuo naman ng Los Angeles Lakers, Los Angeles Clippers, Denver Nuggets, Utah Jazz, Oklahoma City Thunder, Houston Rockets, Dallas Mavericks at Memphis Grizzles naman ang Western Conference.

Magugunitang noong Marso 11 ay huminto ang lahat ng laro sa NBA ng magpositibo sa coronavirus ang ilang mga NBA players.