-- Advertisements --
IMG 20191112 134609

Patong-patong na kaso ang kinahaharap ngayon ng 21 personalidad na sangkot sa game fixing sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL).

Ayon sa National Bureau of Investigation (NBI) kabilang sa mga kinasuhan ang tatlong Chinese national at isang dating Philippine Basketball Association (PBA) player na sinasabing sangkot na rin noon sa kaaprehong scheme.

Paliwanag ng NBI, kinokontrol ng mga game fixers ang takbo ng laro dahil dito pumapasok ang pustahan.

Kabilang daw sa pustahan ang score ng kada quarter ng laro maging ang ending nito at ang final score.

Dahil dito, 17 kasong paglabag sa betting, multiple counts ng games fixing and points shaving na nasa ilalim ng Sec. 1 at 3 ng Presidential Decree 483 as amended by PD 1602 ang kinahaharap ng mga suspek.

Kabilang sa mga respondents sina:

1. Mr. Sung

2. Kevin Espinosa

3. Kein

4. Emma

5. Sonny Uy

6. Serafin Matias

7. EJ Avila

8. Nino Dionisio

9. Ferdinand Melocoton

10. Nice Ilagan

11. Jake Diwa

12. Exequiel Biteng

13. Jerome Juanico

14. Matthew Bernabe

15. Julio Magbanua Jr

16. Abraham Santos

17. John Patric Rabe

18. Ryab Regalado

19. Janus Lozada

20. Joshua Alcober

21. Ricky Morillo