-- Advertisements --

Inilabas na ngayong araw ng Department of Justice ang opisyal na listahan ng mga inirerekumendang makasuhan ng National Bureau of Investigation.

Ayon sa DOJ, alinsunod at base anila ito sa matibay na ‘sinumpaang salaysay’ na mula sa mga nakalap at ipinadala sa kagawaran.

Nangunguna rito si Ako Bicol Party-list Rep. Elizaldy “Zaldy” Co, Sen. Chiz Escudero, Sen. Joel Villanueva at iba pa.

Sa kabuuan, umabot ito sa bilang na 21 ang mga pinakakasuhan ng National Bureau of Investigation ukol sa maanomalyang flood control projects.

Base sa opisyal na pahayag ng Department of Justice, nag-ugat ang rekomendasyon ng NBI mula sa mga testimonya nina Engr. Henry Alcantara, Engr. Brice Hernandez, ex-DPWH Usec. Roberto Bernardo.

Dito binigyang diin ng DOJ na ang rekomendasyon ito ay nagpapakita na walang sisinuhin o ‘no one is above the law’.

(Courtesy: Department of Justice – ASec. Mico Clavano)
(Courtesy: Department of Justice – ASec. Mico Clavano)