-- Advertisements --

Hindi bababa sa 20 katao na mga turista ang napatay matapos pagbabarilin ng mga hinihinalang militanteng grupo sa Pahalgam, isang sikat na destinasyon sa Jammu at Kashmir, India.

Ayon sa mga testigo, nagulantang sila sa sunod-sunod na putok na inakala nilang paputok lamang, ngunit agad nilang naunawaan ang panganib nang marinig ang malakas na sigawan ng mga tao.

Inako naman ng grupong “Kashmir Resistance” ang responsibilidad sa social media, sinasabing tumutol sila sa umano’y pamamalagi ng higit 85,000 na mga “dayuhan” sa rehiyon, na itinuturing nilang pagbabago sa Kashmir.

Mariing kinondena ni Prime Minister Narendra Modi ang pag-atake at nangakong papanagutin ang mga nasa likod nito.

Ang insidente ay naganap isang araw matapos dumating sa India si US Vice President JD Vance sa isang personal visit.