-- Advertisements --

Nanguna si US President Donald Trump sa maraming bansa na nanawagan sa India at Pakistan na tigilan ang pag-atake.

Sinabi ni Trump na handa itong tulungan ang dalawang bansa para mahinto na ang sigalot ng bawat panig.

Magugunitang aabot na sa 26 katao ang nasawi at 46 na iba pa ang sugatan sa ginawang pag-atake ng India sa Kashmir region.

Paliwanag naman ng Indian military na gumanti lamang sila sa pag-atake ng mga rebeldeng grupo mula sa Pakistan.